Ang istorya ng Puta

October 1, 2008 at 1:01 am (Istorya ng Puta)


by: Unkown Author

posted by: GHie

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat saaming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko ngaalam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap paglahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.

paradise-philippines

paradise-philippines

Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako. Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko. Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko. Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:
“INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko..
Pilipinas nga pala.

About these ads

19 Comments

  1. jhayrah said,

    walang bang pinakabuod dyn at may moral lesson :))
    ……..yung lang :P

  2. Jim Garcia said,

    This one is nice…

  3. silvester said,

    fut@ po u…ganda ng kwn2u….lol
    xd..

  4. mikeportes said,

    Still pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM.

    If you wish to get updates on the upcoming “Minsan may Isang Puta” short film entry by Urban Tribe’s Sarah Roxas @ the “Ganap na Babae”-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us – HERE’s TO A BETTER PHILIPPINES!

    JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall

    “Minsan may Isang Puta” was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it’s way to blog sites, fora, search engines and now on film.

  5. mikeportes said,

    Thank you for re-posting my article.
    Still pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM.

    If you wish to get updates on the upcoming “Minsan may Isang Puta” short film entry by Urban Tribe’s Sarah Roxas @ the “Ganap na Babae”-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us – HERE’s TO A BETTER PHILIPPINES!

    JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall

    “Minsan may Isang Puta” was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it’s way to blog sites, fora, search engines and now on film.

  6. Charlotte lawyer said,

    Galing!
    It’s really hard to accept it…but the truth is this!

  7. Wewen Andales said,

    Nakaka antig ng damdamin ang kwento mo, sa simula pa lang tatlong kalbaryo na ang dumating sa buhay mo, bagamat nagkaroon ka ng ginhawa dagli naman itong binawi sayo, sadyang malalim ang hiwaga ng buhay, maaaring itoy pagsubok ng maykapal upang malaman ang iyong katatagan.. Lumapit ka sa kanya at wag mawalan ng pag asa..

  8. kristine said,

    i like this sotry so much

    • ◕‿◕ gie ö4 ♡♥♡ said,

      tnx

  9. ellaine said,

    we masaya he hung sinabi nga samin yan na gulat kami at nakakatouch

  10. anne rose said,

    wow! ang ganda ng istorya kac nagulat ako sobra wahhhhhhhhhhhh naiyak wahaha

  11. Joshua said,

    simula plang mali na…tas pinagpatuloy pa…waaaa
    sacrifices for her children tas ung mga anak pa niya hnd nag appreciate…

  12. antonette said,

    haiyyy… bakit kaya ang dami ng taong ganyan noh ?
    .. ang dami na nga ng sacrifices na ginawa ang mga magulang .. ang mga anak pa ang may ganang tapak-tapakan ang magulang nila …!!!

  13. jesseclark922 said,

    Thank you for every other wonderful article. Where else could anyone get that type of info in such a perfect means of writing? I’ve a presentation subsequent week, and I’m on the look for such information.

  14. jocelyn said,

    i like it ,, it simply tells the truth about our native land, so touching

  15. Chantelle Loughry said,

    Hiya. Very cool website!! Guy .. Beautiful .. Wonderful .. I’ll bookmark your website and take the feeds also…I’m satisfied to locate numerous helpful info here in the post. Thank you for sharing..

  16. empoy said,

    nice story:)

  17. marjorie said,

    sino may akda nyan?

  18. marjorie said,

    sino may akda nito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: