poorest of the poor ..

October 3, 2008 at 1:27 am (poorest of the poor ..)


by: GHie

Maaga akong gumising nung araw na yon. Actually ayoko yung gagawin namin pero no choice ako kasi kailangan yun para sa research paper na ginagawa namin. Gumising ako ng maaga pero nalate pa rin ako sa usapan, pero fair lang kasi lahat naman e nalate. Pagdating sa meeting place, sa dami ng dapat gawin, hindi namin alam kung anong uunahin. Tambay muna ng konti sa mcdo, hiram ng installer, hanap ng pagkain at sa wakas nakapgdecide din kami.. “punta daw tayo kila Tin sabi niya..” . At ayun pumunta na nga kami.. akala ko balak talaga nilang dayain lahat ng survey form, pero hindi pala. Ano pa nga ba gagawin ko kung hindi ang sumunod??!! *ergh* Kung hindi lang para sa ikakapasa ko hindi ko naman gagawing magsurvey, eh ang sungit kaya ng ibang tao. Pero nung andun na kami, hindi naman ako naka-experience ng kagayang pagsususngit nung last kong ininterview sa ibang lugar. Kaya ayun tuloy ang survey.

First time kong makapunta sa ganung klase ng lugar. Pagbungad mo pa lang sa kanto ng “riles” eh makikita mo na ang kalagayan ng buhay ng mga tao doon. Pinagtagpi-tagping kahoy at mga lumang tarpoulin ang bahay nila, butas-butas na bubong, mga uhuging bata, at mga nakakatakot na mukha ng tao na parang anytime pwede kang gawan ng masama. May ibang tao na kaya pala gustong magpa-interview eh akala may relief goods kaming ibibigay, pero mukhang nabigo namin sila. May iba naman na kusa talagang lumalapit sa amin, at nagpapakita ng suporta sa ginagawa namin. (salamat sa inyo)

Pag-pasok ko sa isang bahay, walang kwarto, walang sala, walang tv, walang kusina, in short, diretso lang, eh nakita ko ang kawawang kalagayan ng mga bata. Sobrang makalat sa loob ng bahay, kahit saan makikita mong may nakasabit, damit, underwares, pati mga plastik na basura. At eto ang matindi, kahit katol ayaw nilang bilhin dahil ibibili nalang daw nila ng pagkain ang perang pambibili nila dito. Malapit sa sakit ang bata dahil na rin sa sobrang dumi ng kapaligiran nila. Hindi ko akalain na may nabubuhay pa pala sa ganung bahay. Pati mga daga at ipis ay kasama nila, tinuturing na rin nga nilang kapamilya ang mga ito. Ang mga walang malay bata, ayun walang pakialam dahil hindi pa nila ang estado ng kanilang buhay, pero pagdating ng panahon na mamulat sila sa katotohanan, sana ay pangarapin din nilang umangat at sikapin na baguhin ang nakasanayan nilang buhay. Kawawa naman ang susunod na henerasyon ng kanilang pamilya kung hindi sila magsisikap.

Sabi ko nga sa mga kasamo ko, ngayon lang ako namulat sa katotohanan, katotohanan na MAS may hihirap pa pala sa akala kong MAHIRAP. Akala ko mahirap kami, kasi hindi nabibigay lahat ng luho ko, pero hindi pala.. Buti pa ako at nabibigay ng magulang ko ang pangangailangan namin, kumakain atleast tatlong beses sa isang araw, nakakapagaral, nabibigyan ng extrang pera, kumpleto ako sa gamit,.. haiii buhay nga naman. sana pagdating ng panahon eh hindi ako makaranas ng ganung kalse ng paghihirap.. at sana wala kahit isang Pilipino ang dumanas din nito.. Konting sikap lang pinoy, uunlad ka rin..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: