my fave bOb onG quOtes ..

“Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kelangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority..”

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“Magkaiba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

“Hiwalayan mo na kung hindi ka masaya. Walang gamot sa tanga kung hindi pagkukusa.”

“Pakawalan mo ang mga bagay na makakasakit sa’yo kahit na pinapasaya ka nito. Huwag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

“Hindi masama na lumaki at tumanda kang walang alam at walang paki-alam kung ikaw ay isang puno”

“Iba ang tinititigan sa tinitingnan.
Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin.
Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri.
Iba rin ang iniintindi sa inuunawa.
Ang iniintindi, pinipilit sa isipan.
Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.
Kung kaya dapat:
Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan
at hindi titigan lang at intindihin..

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo.
Malay mo sa mga susunod na araw
ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang..”

“Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e
mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo”

—————————————————————————————————————————————–

“Pag di ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magagalit. Kasi may mga tao rin namahal na mahal ka pero hindi mo sila makuhang mahalin. Kaya kwits lang.”

“Kailangan mo rin pala ng lakas ng loob para sabihin mong mahina ka.”

“Kapag pinag-aagawan ka malang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”

”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”

“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…”

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

1 Comment

  1. Trevor Kearse said,

    I like this web site very much so much fantastic info.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: