An Open letter for my son (Kaleb Ihgray Gomez)

February 24, 2017 at 8:59 pm (Uncategorized)


Feb 25, 2017 15:21

My dearest Yebyeb,

Time flies so fast, by this time, I know you can already understand life. I want you to know that Daddy and I are very blessed because you came into our lives. 

It was November 18, 2014, 8 hours on the Labor Room, you finally came out. I saw you for the first time. I heard you cry for the first time. And that was the sweetest moment of my life.

My little munchkin, please don’t rush. I want you to enjoy being little. I want you to experience how it is to be a child. How it is to play bare footed. How it feels playing under the rain. Because when you grow up, you won’t even have enough time to do that. 

My only wish for you is that you grow up a happy person. I don’t wish you wealth but health. I want you to embrace the fact that money is just an instrument that people use to satisfy themselves. Happiness doesn’t depend on wealth. Having enough is enough. Be happy and grateful for whatever you have but do not forget to reach for your dreams.

Promise mommy that you will be a good person. Promise me that you will put God first above all things. That He is enough. And that He alone can satisfy you.  Always thank God for the gift of life. Be grateful. Be thankful. Be courageous. 

I love you son. 

-mimi

 

image.jpg

Permalink Leave a Comment

TOUR

December 19, 2008 at 2:47 am (Uncategorized)


Feature Writings:

Baguio Tour 2008

Two months have passed yet the memories of our last tour are still fresh in our minds. Looking at my photos triggers back the momentous days we’ve had which makes me blurt “nakakamiss yung place…”

A week before the tour, everyone is really so excited! After our final exam, I’m already wondering what will happen when we get in Baguio. Time passes abruptly and the day we’ve all been waiting for just came around the corner. The night before that day, I hardly slept! Perhaps I’m just so excited and there a lot of things crossing my mind that time. I’m even worried because I’m not sure of I’ll wake up early. And so, morning came. I woke up at about 4:30am. Even if I’m still drowsy (and I had a bad morning), I immediately did my things – ate my breakfast, took a bath, check my things and bid goodbye to my parents. I arrived at about 6am. I’m worried because they told me to pay immediately for me to have a slot in the bus, but because I’m late, our dean told me that I’ll have my trip with some of the fourth year boys at the van, and I even told my classmates “kawawa naman ako.. L” But luckily, one of the boys wanted to stay at the van, so I exchanged with him..

I think we started leaving at about 6:30am and we arrived at SANYO Semiconductor Manufacturing Philippines Corporation at about 8:30am. We had a little orientation and we had the tour inside. After that not-so-long tour, we’ve decided to take our lunch, but because we don’t have enough time, they told us to just buy our food and eat while we are having the trip. We arrived at Baguio (Teacher’s Camp) at about 3:30 in the afternoon. We had a picture taking, then we ate our lunch (pero its miryenda time na.. hehe) then picture taking ulit! hehe.. After that, we went to the hotel (Sky Rise Hotel). Unluckily, I had a problem and I wasn’t able to join everyone while they are having fun. I even cried because of that problem and I wasn’t able to have my dinner with them, but fortunately, there’s this very concerned person who brought me food (salamat sa batang yun… hehe). We slept at about 12 midnight. I woke up at 5:30am and immediately took my bath (sira yung heater kaya sobrang lamig ng tubig…) After we took our bath; we went up at Lourdes Grotto with almost 250 steps. From that elevated place, you can almost see the whole Baguio! Since I’m a nature lover, I enjoyed looking at the trees, the flowers, the different kinds of plants, the mountains and I really loved it! After that tiring walk, we took our breakfast at the hotel and went our way to ABS-CBN Baguio. It was one of the most memorable experience because we actually have to walk for hours before we get in our destination. I was so tired that I actually stopped walking at about 200 meters away from ABS-CBN tower.

Going back is really a great experience, for me, it was the best part of the tour. We saw this truck (which I think a truck carrying fertilizer), and we asked the driver if we can have a ride with them, luckily, the driver and the tenant allowed us to stay at the back of the truck. It was as thrilling as roller coaster, the truck runs so fast that it made us shout out of nervous (greedy yung driver eh.. haha). After that very thrilling ride, we waited for others for hours. It was a nice experience for me but for others, it wasn’t… We had our lunch at the Teacher’s Camp (miryenda time ulit… hehe) After that, we went to SM Baguio. We’ve decided not to go inside the mall, but after a few minutes, we got bored and decided to make ‘pasyal’. From the mall’s veranda, we saw the beautiful view of Baguio during night time. The sky is so clear that I can even see those tiny stars (di ko na kasi nakikita dito sa Pampanga yun…). After making ‘liwaliw’, we went back to the Teacher’s Camp to have our dinner. After the dinner, we went back to the hotel. I went straight to our room because I still feel not-so-well and I’m very tired. Until I fell asleep. I woke up the same time, this is the last day of our tour.

Permalink Leave a Comment

10-03-2008 pictures

October 5, 2008 at 2:02 pm (10-03-2008)


Hey!

check out this pictures..

my birthday celebration with my 2b1 brothers and sisters..

hehehe ♥

Permalink 2 Comments

poorest of the poor ..

October 3, 2008 at 1:27 am (poorest of the poor ..)


by: GHie

Maaga akong gumising nung araw na yon. Actually ayoko yung gagawin namin pero no choice ako kasi kailangan yun para sa research paper na ginagawa namin. Gumising ako ng maaga pero nalate pa rin ako sa usapan, pero fair lang kasi lahat naman e nalate. Pagdating sa meeting place, sa dami ng dapat gawin, hindi namin alam kung anong uunahin. Tambay muna ng konti sa mcdo, hiram ng installer, hanap ng pagkain at sa wakas nakapgdecide din kami.. “punta daw tayo kila Tin sabi niya..” . At ayun pumunta na nga kami.. akala ko balak talaga nilang dayain lahat ng survey form, pero hindi pala. Ano pa nga ba gagawin ko kung hindi ang sumunod??!! *ergh* Kung hindi lang para sa ikakapasa ko hindi ko naman gagawing magsurvey, eh ang sungit kaya ng ibang tao. Pero nung andun na kami, hindi naman ako naka-experience ng kagayang pagsususngit nung last kong ininterview sa ibang lugar. Kaya ayun tuloy ang survey.

First time kong makapunta sa ganung klase ng lugar. Pagbungad mo pa lang sa kanto ng “riles” eh makikita mo na ang kalagayan ng buhay ng mga tao doon. Pinagtagpi-tagping kahoy at mga lumang tarpoulin ang bahay nila, butas-butas na bubong, mga uhuging bata, at mga nakakatakot na mukha ng tao na parang anytime pwede kang gawan ng masama. May ibang tao na kaya pala gustong magpa-interview eh akala may relief goods kaming ibibigay, pero mukhang nabigo namin sila. May iba naman na kusa talagang lumalapit sa amin, at nagpapakita ng suporta sa ginagawa namin. (salamat sa inyo)

Pag-pasok ko sa isang bahay, walang kwarto, walang sala, walang tv, walang kusina, in short, diretso lang, eh nakita ko ang kawawang kalagayan ng mga bata. Sobrang makalat sa loob ng bahay, kahit saan makikita mong may nakasabit, damit, underwares, pati mga plastik na basura. At eto ang matindi, kahit katol ayaw nilang bilhin dahil ibibili nalang daw nila ng pagkain ang perang pambibili nila dito. Malapit sa sakit ang bata dahil na rin sa sobrang dumi ng kapaligiran nila. Hindi ko akalain na may nabubuhay pa pala sa ganung bahay. Pati mga daga at ipis ay kasama nila, tinuturing na rin nga nilang kapamilya ang mga ito. Ang mga walang malay bata, ayun walang pakialam dahil hindi pa nila ang estado ng kanilang buhay, pero pagdating ng panahon na mamulat sila sa katotohanan, sana ay pangarapin din nilang umangat at sikapin na baguhin ang nakasanayan nilang buhay. Kawawa naman ang susunod na henerasyon ng kanilang pamilya kung hindi sila magsisikap.

Sabi ko nga sa mga kasamo ko, ngayon lang ako namulat sa katotohanan, katotohanan na MAS may hihirap pa pala sa akala kong MAHIRAP. Akala ko mahirap kami, kasi hindi nabibigay lahat ng luho ko, pero hindi pala.. Buti pa ako at nabibigay ng magulang ko ang pangangailangan namin, kumakain atleast tatlong beses sa isang araw, nakakapagaral, nabibigyan ng extrang pera, kumpleto ako sa gamit,.. haiii buhay nga naman. sana pagdating ng panahon eh hindi ako makaranas ng ganung kalse ng paghihirap.. at sana wala kahit isang Pilipino ang dumanas din nito.. Konting sikap lang pinoy, uunlad ka rin..

Permalink Leave a Comment

Ang istorya ng Puta

October 1, 2008 at 1:01 am (Istorya ng Puta)


by: Unkown Author

posted by: GHie

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat saaming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko ngaalam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap paglahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.

paradise-philippines

paradise-philippines

Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako. Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko. Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko. Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:
“INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko..
Pilipinas nga pala.

Permalink 19 Comments

Kahirapan sa Pilipinas

October 1, 2008 at 12:43 am (Kahirapan sa Pilipinas, Uncategorized) ()


by: GHie
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay kakahirapantumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang. Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin. Kung pinagaaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pagaaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno. Ang katotohanan ay, tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.

Permalink 72 Comments